Tuesday, February 2, 2010

Sa Iyong Pagsinag

*
Sa isang madilim na araw sa iyo nakatanaw
Sa pagsibol ng iyong damdamin aking dinadalangin
Na sa iyong mga kamay iyong mahawakan
Karapatang ninanais at iyong kailangan

*
Asan ang talino ng isang makata
Kung sa liwanag hindi nya makita
Ang tunay na pag-ibig at daloy ng dugo
at siya'y mabulag sa isang unyango

**
Darating ang araw at siya'y sisikat
Kukulayang muli buhay na winasak
Ang kahapon ay iwanan at ang ngayon ay linisan
Buong pusong sasabihing sa iyong pag-sinag

*
Sa iyong paglaki iyong makikilala
Ang tunay na pinagmulan at iyong bathala
Mabuhay kang maayos gaya ng ibig nya
Pagkat di na kayang ibalik kanyang pangungulila

*
Handa na ang lahat na aking hinanda
At hindi pa rin nawawala ang tanging pag-asa
Na sa kabila ng lahat iyong madama
Ang tunay na pag-ibig at ang iyong tunay na AMA.


No comments:

Post a Comment